Buod ng Paglalayag sa Puso ng Isang Bata
ni Genoveva Edroza Matute
Maaaring binata o ama na
siya ngayon, kung nakaligtas siya sa nakaraang digmaan. Sa akin ay hindi siya
binata, ama o isang alaala ng Bataan. Siya'y mananatiling walong taong gulang
na bata.
Ilang taon man ang dumaan,
lagi ko pa rin siyang maaalala sapagkat isang araw siya ay aking naging guro.
Naiiba siya sa aming
klasae, pangit, maliit, bilog at pipis ang ilong, at mayroon siyang
nakakatawang tono sa pagsasalita. Ngunit mayroong bagay na kaibig-ibig sa
kanya, sapagkat matulungin siya. Nagtataka pa nga ako sa kanyang pagiging
mahiyain. Nalaman ko naman ang katotohanang siya'y nisang munting ulilang bata
na lumuwas sa lungsod para maging utusan.
Nadama ko ang kakaibang
kalungkutan. Nais kong maging katulad siya ng ibang bata na masayang naglalaro.
Pinagagawa ko siya ng maraming
bagay para sa akin. Ang tahimik na pakikipagkaibigan ang nag-uugnay sa amin ng
pangit na ito. Lagi ko siyang naaasahan. Unti-unti ko namang nararamdaman ang
kanyang kasiyahan sa pag-aakalang nagmamalasakit ako at may gusto sa kanya.
Nakikita ko na siyang
nakikipaglaro at nakikipaghabulan tulad ng isang normal na bata. Kinakausap ko
pa siya at sumasagot siya ng pagaril sa Tagalog. Masigla na rin siya kung
sumagot ng "GoodBye Teacher". Ngayon ay tiyak ko na hindi na siya
totoong napag-iisa at hindi na siya nalulumbay.
Ang paraan na pag-akit na iyon sa
kanya at ang pagtiyak na siya'y mahalaga at sa kanya'y may nagmamahal. Maligaya
na siya.
Isang araw, sa paglingon ko sa
mga dumadaang tao'y naamin ko sa aking sarili na kasalanan ko ang nagyari.
Mainit non ang aking ulo at nagawa ko ang di dapat gawin. Matindi ang galit ko
sa kanya. Nalimutan ko ang kanyang pag-iisa't kalumbayan, ang mabagal na paraan
ng pag-akit at pagtiyak sa kanya siya'y mahalaga at minamahal. Nang hapong iyon
ay bumalik siya sa dating siya. Hindi niya ako pinapansin ni minsan lamang.
Naisip kong galit siya sa akin. Sa munti niyang puso'y kinapopootan ako, at
nasantabi ang pagmamahal niya sa akin.
Tila may binubulong kapasiyahan
sa kanyang loob.
Ano ang ginawa kong ito? Ano ang
ginawa kong ito? Ito itinatanong kong paulit-ulit sa aking sarili. Napopoot
siya sa akin.
Ang mga mata niya'y
nakipagsalubungan sa akin at nagsabing "GoodBye Teacher". At umalis
na siya.
Nagbalik siya upang sabihin iyon
sa akin.
Naggunita ko ang pagpapakumbaba
sa kalakhan ng puso ng munting batang yaon. Nang sandaling yaon, siya ang aking
guro.
buod na po ito?
TumugonBurahin