Huwebes, Oktubre 24, 2013

Ikatlong Markahan Sa Filipino
Luha Ni Rufino Alejandro



v



Daloy aking luha…Daloy aking luha, sa gabing malalim.



Sa iyong pag-agos, ianod mo lamang ang aking damdamin, hugasan ang puso—yaring abang pusong luray sa hilahil, nang gumaan-gumaan ang pinapasan ko na libong tiisin!



Nang ako'y musmos pa at bagong namukad yaring kaisipan, may biling gayari si Ama't si Ina bago sumahukay. "Bunso, kaiingat sa iyong paglakad sa landas ng buhay ang ikaw'y mabuyo sa gawang masama'y dapat mong iwasan."



Nang ako'y lumaki, ang pahat kong isip ay biglang nagpakpak, ng kapalalua't ang aral ni Ama't ni Ina'y hinamak; sa maalong dagat ng buhay sa mundo'y nag-isang lumayag, iniwan sa pampang ang timbulang baon na aking tinanggap!



Malayang tumungga sa sarong may lason ng kaligayahan na itong huli na'y nakilalang alak na nakamamatay. Ang pinagbataya'y dapat magpasasa sa kasalukuya't isang "Bahala na!" ang tanging iniukol sa Kinabukasan!



Kaya naman ngayon, sa katandaan ko ay walang nalabi kundi ang lasapin ang dita ng isang huling pagsisisi; tumangis sa labi ng sariling hukay ng pagkadugahi't iluha ang aking palad na nasapit na napakaapi!



Daloy, aking luha…Dumaloy ka sa ngayon at iyong hugasan ang pusong nabagbag sa pakikibaka sa dagat ng buhay; ianod ang dusang dulot ng tinamong mga kabiguan. Nang yaring hirap ko't susun-susong sakit ay gumaan-gaan!






Bisang Pandamdamin
       
NAKAKALUNGKOT MANG ISIPIN NGUNIT SA AKDANG ITO IPINAPAHIWATIG NA HINDI DAPAT NATIN KALIMUTAN ANG TURO SA ATIN NG ATING MGA MAGULANG UPANG TAYO AY HINDI MAWALA SA TAMANG LANDAS AT MAGKAROON NG MAGANDANG KINABUKASAN, IPAPAKITA RIN DITO NA NASA HULI ANG PAGSISISI.

Bisang Pangkaisipan
    NABATID KO NA LUMULUHA ANG ISANG TAO BATAY SAKANYANG EMOSYON O NARARAMDAMAN, BATAY SAKANYANG KAPALIGIRAN. ANG LUHA AY ISA RING BUNGA NG KALUNGKUTAN , KASIYAHAN , NADADALA BATAY SA PINAPANUOD SA TELEBISYON , PAG NAKIKIPAGUSAP AT MARAMI PANG IBAGBAGAY.


Mahal Kong Taalarawan,
Oktubre 14, 2013 (Lunes)
     
SA ARAW NA NGAYON TINALAKAY NAMIN ANG ISANG AKDA NA PINAMAGATANG “LUHA” NA MULA SA PANULAT NI RUFINO ALEJANDRO , NGUNIT BAGO KAMI MAGSIMULANG MAGTALAKAYAN SA AMING AKDA, PINAGARALAN MUNA NAMIN KUNG ANU-ANO ANG MGA DAHILAN NG PAGLUHA NG ISANG TAO, ANO ANG NARARAMDAMAN NG ISANG TAO KUNG SYA’Y LUMULUHA AT BAKIT LUMULUHA ANG ISANG TAO, MATAPOS NAMING TALAKAYIN ANG MGA DAHILAN NG PAGLUHA NG ISANG TAO,BINASA  NAMIN ANG AKDANG “LUHA”  AT PAGKATAPOS NAMING IYON MABASA KAMI AY BINIGYAN NG GAWAIN BATAY SA AMING BINASANG AKDA.




Mahal Kong Taalarawan,
Oktubre 15, 2013 (Martes)
         SA ARAW NA NGAYON AY WALANG PASOK DAHIL HOLIDAY.


Mahal Kong Taalarawan,
Oktubre 16, 2013 (Miyerkules)
          
          NGAYONG ARAW NA ITO AY NAGKAROON  KAMI NG ISANG GAWAIN TUNGKOL SA AKDANG "LUHA".PAGKATAPOS NG AMING GAWAIN AY IBINIGAY NI GNG. MIXTO ANG MGA AKDANG AMING ISASALIKSIK AT AARALIN PARA SA AMING MGA SUSUNOD NA TALAKAYAN.