Sabado, Enero 11, 2014

LUNES, NOBYEMBRE 11 2013 kami ay nagkaroon ng pagsusulit patungkol sa akdang Sa Pula, Sa Puti at iniwasto namin ang aming mga gawa sa pagsulat patungkol sa pag-iwas sa pagsusugal. Binigyan kami ng takdang aralin na basahin ang akdang Mabangis na Lungsod ni Efren Abueg Reyes at inatasan ang pangkat tatlo upang iulat ang akda.

Biyernes, Enero 10, 2014

ANG KATAPUSAN NG PAGSUBOK!!! :)

YEHEY!!! Sa araw na ito ay tapos na ang huling pagsusulit para sa ikatlong markahan, aaminin ko mahirap ang mga pagsusulit lalo na sa chemistry at math, ganun din ang asignaturang araling panlipunan.Pagkatapos ng aming mahabang pagsusulit ay pumunta kami ng aming mga kaibigan sa mall upang magsama-sama at magbonding...napakasya nito lalo pat nakakuha ako ng isang teddy sa isang palaruan.umuwi kami ng masaya at kami ay nagpahinga na.

Huwebes, Enero 9, 2014

ANG MATINDING PAGSUBOK !!!

Huwebes, January 09, 2014
    Ngayong araw ay maaga akong nagising sapagkat kailangan ko...hehehehe. Ngayon ang unang araw ng aming pagsusulit para sa ikatlong markahan.lumipas ang napakahabang oras at natapos na rin kami.umuwi ako ng maaga at natulog, pagkagisisng ko ay inayos ko na ang mga proyektong aking ipapasa para nang sa ganoon ay may proyekto ako.

Miyerkules, Enero 8, 2014

ANG PAGHAHANDA

Miyerkules, January 08, 2014

     Ngayon araw ay nakakapagod sapagkat halos ng mga asignatura ay halos nagbigay ng mga pagsusulit tungkol sa aming pinagaralan sa buong ikatlong markahan. Pagkatapos nun ay umuwi na ako ng maaga sapagkat ako ay sobrang gutom na at magre-review pa ako.

Martes, Enero 7, 2014

HULING PAGAARAL :)

Martes, January 07, 2014

Sa araw na ito ay tinalakay namin ang mga bagay na sumisimbolo sa Noli me Tangere, Pagkatapos nun ay nagkaroon kami ng kaunting isaahang pagsagot.Natapos ang klase at umuwi na ako dahil nakakapagod makinig sa mga guro at kulang pa ako sa tulog kaya kailangan ko nang umuwi at maghanda para kinabukasan.

Lunes, Enero 6, 2014

ANG SAKIT NG ULO KO >:(

 
  LUNES, JANUARY 06, 2014
       Ngayong araw na ito ay nagisisng ako dahil sa alarm ng aking telepono.Inihanda ko ang mga gamit ko para sa unang araw ng pasukan galing sa bakasyon na pagkahaba-haba.Nakapunta agad ako at hindi ako na nahuli sa flag ceremony. Pagkatapos ng klase ay umuwi na ako dahil manunuod ako ng movie ng "WEREWOLF BOY" pagkatapos ko yun panooorin ay gagawa  na sa na ako ng aking porfolio sa t.l.e. at chemistry ngunit hindi ko manahap ang portfolio ko sa chemistry  na isusumite bukas, kung kaya't naisipan kong pumunta sa school ulit at hanapin  ito sa lamesa ni maam Manlagnit at sa wakas nahanap ko ito at nakagawa na ako.

Linggo, Enero 5, 2014

PAGOD MUCH

LINGGO, JANUARY 5 2014

Ngayon ay medyo antok pa ako dahil may lamay dito sa bahay nila tita (namatay kasi yung baby na pinsan kong babae) ang dami kasing pumuntang BWISITA kaya tang ingay, pero kahit ganun ay okay lang atlis nakatulog ako. Naghanda na ako ng aking gamit dahil maaga magsisimula ang samba doon, umalis na ako ng bahay at pumunta na sa simbahan.pagkatapos ng simba ay umuwi na ako pero bago ako umalis ay nakipagusap muna ako sa aking leader at pagkatapos nun ay umuwi na akao at natulog ulit dahil inaantok pa rin ako

BUOD #3

Buod ng Paglalayag sa Puso ng Isang Bata
ni Genoveva Edroza Matute

         Maaaring binata o ama na siya ngayon, kung nakaligtas siya sa nakaraang digmaan. Sa akin ay hindi siya binata, ama o isang alaala ng Bataan. Siya'y mananatiling walong taong gulang na bata.
         Ilang taon man ang dumaan, lagi ko pa rin siyang maaalala sapagkat isang araw siya ay aking naging guro.
         Naiiba siya sa aming klasae, pangit, maliit, bilog at pipis ang ilong, at mayroon siyang nakakatawang tono sa pagsasalita. Ngunit mayroong bagay na kaibig-ibig sa kanya, sapagkat matulungin siya. Nagtataka pa nga ako sa kanyang pagiging mahiyain. Nalaman ko naman ang katotohanang siya'y nisang munting ulilang bata na lumuwas sa lungsod para maging utusan.
         Nadama ko ang kakaibang kalungkutan. Nais kong maging katulad siya ng ibang bata na masayang naglalaro.
        Pinagagawa ko siya ng maraming bagay para sa akin. Ang tahimik na pakikipagkaibigan ang nag-uugnay sa amin ng pangit na ito. Lagi ko siyang naaasahan. Unti-unti ko namang nararamdaman ang kanyang kasiyahan sa pag-aakalang nagmamalasakit ako at may gusto sa kanya.
        Nakikita ko na siyang nakikipaglaro at nakikipaghabulan tulad ng isang normal na bata. Kinakausap ko pa siya at sumasagot siya ng pagaril sa Tagalog. Masigla na rin siya kung sumagot ng "GoodBye Teacher". Ngayon ay tiyak ko na hindi na siya totoong napag-iisa at hindi na siya nalulumbay.
       Ang paraan na pag-akit na iyon sa kanya at ang pagtiyak na siya'y mahalaga at sa kanya'y may nagmamahal. Maligaya na siya.
       Isang araw, sa paglingon ko sa mga dumadaang tao'y naamin ko sa aking sarili na kasalanan ko ang nagyari. Mainit non ang aking ulo at nagawa ko ang di dapat gawin. Matindi ang galit ko sa kanya. Nalimutan ko ang kanyang pag-iisa't kalumbayan, ang mabagal na paraan ng pag-akit at pagtiyak sa kanya siya'y mahalaga at minamahal. Nang hapong iyon ay bumalik siya sa dating siya. Hindi niya ako pinapansin ni minsan lamang. Naisip kong galit siya sa akin. Sa munti niyang puso'y kinapopootan ako, at nasantabi ang pagmamahal niya sa akin.
        Tila may binubulong kapasiyahan sa kanyang loob.
        Ano ang ginawa kong ito? Ano ang ginawa kong ito? Ito itinatanong kong paulit-ulit sa aking sarili. Napopoot siya sa akin.
        Ang mga mata niya'y nakipagsalubungan sa akin at nagsabing "GoodBye Teacher". At umalis na siya.
        Nagbalik siya upang sabihin iyon sa akin.

        Naggunita ko ang pagpapakumbaba sa kalakhan ng puso ng munting batang yaon. Nang sandaling yaon, siya ang aking guro.

BUOD #2


BUOD NG ANG GILINGANG BATO


Ang Akdang Ang Gilingang bato na isinulat ni Edgardo M. Reyes ay tungkol sa hanapbuhay at pagiging isang mabuting ina sa mga anak at pagiging mabuting anak naman sa kanilang mga magulang ay tungo sa isang napakagandang pamumuhay…Sinasabi sa kwento na ang gilingang bato daw ay walang nakakaalam kung gaano na ito katanda.Si Impo (ang ama ni Trining) ay kinilala sa kanilang lalawigan dahil sa taglay na kasarapan sa paggawa ng Bibikang sapin-sapin. Kinagisnan na ng limang magkakapatid ang Gilingang bato at ayon sa kanilang ina (Trining) ay ito’y kanyang namana kay Impo, na minana rin naman ni Impo na minana rin sa sariling ina nito. Silang magkakapatid ay napilitang magtrabaho at tumulong sa kanilang ina sa paggawa ng kakanin nang namatay ang kanilang ama na ang trabaho ay pag pa-panday. Si ate, si kuya, Si Ditse, Si DIko at ang buso nila ay ang limang magkakapatid na nakatapos ng kolehiyo sa maynila (Nung panahon na yung walng kolehiyo sa lalawigan) maliban na lamang kay ditse na may pagkapurol ang utak kung kaya’t hindi nakapagtapos at tumulong na lamang sa kanilang ina hanggang sa kamatayan nito.

BUOD #1




MY MIGHTY PRINCESS
BUOD NG MY MIGHTY PRINCESS
NI  KWAK JAE-YONG
        Si KANG SO-WHI , ay isang magandang martial arts prodigy, gusto nya sana na maging isang normal na tao ngunit ang takbo ng kanyang buhay ay hindi magiging katulad ng sa ibang kabataan. Siya ay sobrang lakas na babae na kahit na sino ay natatakot sa kanya  kahit na rin ang kanyang nagugustuhang binata, Kaya naisip niyang hindi na ipagpatuloy ang pagma-martial arts at sumuko na lang.Ang kanyang ama ay ang nagtuturo ng martial art,natatakot ang kanyang ama na baka mawala ang martial arts sa kanyang anak sapagkat may misyon ito, at ang misyon nya ay talunin si IIyoung.
        Dumating ang panahon na kinalaban nya si IIyoung ngunit nagulat sya ng Makita nya na ang dati nya palang kaibigan ang kanyang kakalabanin, ngunit dahil nalaman nya na mahal nya pa rin ang kaibigan nya ay hindi nya ito pinatay at ito ay nawala sa kapangyarihan ni IIyoung.


Sabado, Enero 4, 2014

QUALITY TIME J

SABADO, JANUARY 4 2014


Ngayon ay pumunta ako sa manila ng mag isa dahil ayaw sumama ng bunso kong kapatid dahil nga sa may compassion kami (ung compassion ay yung pag aaral sa bible ) at nang nakapunta ako duon ay wala pa ang ibang youth kung kaya’t prinaktis ko muna ang napanuod kong video at tada!!! Nagawa ko naman ang kaso nga lang ay hindi ko mapraktis yung sa kaliwang kamay ang bilis kasi ng pagturo kaya hindi ko masyadong maintindihan at bandang hapon na ay pumunta ako kanila tita (iba yung tita ko na pinuntahan naming ng new year kasi yun sa padilla yung eto sa manila ) dahil makikitulog ako sapagkat sayang ang pamasahe kung uuwi pa ako.magsisimba kasi ako sa pang umaga para matapos ko na tong iba kong taalarawan na hindi pa napo-post.
HUWEBES, JANUARY 2 2014
MARILAO BULACAN J
Sa araw na ito ay pumunta kami ng mga taga maynila kong kaibigan upang bisitahin ang iba pa naming mga kiabigan at kamaganak sa marilao bulacan, nakakapagod nga eh tas butas pa bulsa naming sa pamasahe, pero okay lang kasi nagenjoy naman ako kasama nila.
pan>Pa7� aopO�@�gsuka ay natulog na ako dahil kinabukasan ay pupunta kami kanila lolo’t lola at tito’t tita para makikain (JOKE :P) kundi para bisitahin sila at ibigay naming ang regalo naming sa kanila pati na rin sa pinsan namin.

Biyernes, Enero 3, 2014

GAWA GAWA RIN NG PROYEKTO !

BIYERNES, JANUARY 3 2014


Ngayong araw ay nagising ako mula sa isang maganda at Malayo sa mga takdang Aralin at proyekto ng itext ako ng kaklase ko at tinanong ako kung may nagawa na ba akong mga proyekto at dahil nga duon ay pumunta ako kanila shenna upang gumawa na rin ng mga proyekto kasama sis henna…nag post din ako ng aking  naimbak na taalarawan sa netbook ni mama baka kasi isipin ni ma’am  Mixto na hindi ako gumagawa kaya nagpost ako ng aking taalarawan ngunit hanggang dec. 05 lang dahil hindi ko pa tapos yung iba.

Huwebes, Enero 2, 2014

MARILAO BULACAN :)

HUWEBES, JANUARY 2 2014


Sa araw na ito ay pumunta kami ng mga taga maynila kong kaibigan upang bisitahin ang iba pa naming mga kiabigan at kamaganak sa marilao bulacan, nakakapagod nga eh tas butas pa bulsa naming sa pamasahe, pero okay lang kasi nagenjoy naman ako kasama nila.

Miyerkules, Enero 1, 2014

BAGONG TAON NA!!!

MIYERKULES, JANUARY 1 2014


12:09 na ng gabi at ito ang ginagawa ko tinatype ko ang aking taalarawan sa netbook ni mama para mas makatipid ako ng pera kapag ipo-post ko na ito sa aking blog… hindi rin kasi ako makatulog dahil sobrang busog ako at sa sobrang busog ako ay nagsuka ako. J  Pagkatapos kong magsuka ay natulog na ako dahil kinabukasan ay pupunta kami kanila lolo’t lola at tito’t tita para makikain (JOKE :P) kundi para bisitahin sila at ibigay naming ang regalo naming sa kanila pati na rin sa pinsan namin.