Ikatlong Markahan Sa Filipino
v
Daloy aking luha…Daloy
aking luha, sa gabing malalim.
Sa iyong pag-agos, ianod
mo lamang ang aking damdamin, hugasan ang puso—yaring abang pusong luray sa
hilahil, nang gumaan-gumaan ang pinapasan ko na libong tiisin!
Nang ako'y musmos pa at
bagong namukad yaring kaisipan, may biling gayari si Ama't si Ina bago
sumahukay. "Bunso, kaiingat sa iyong paglakad sa landas ng buhay ang
ikaw'y mabuyo sa gawang masama'y dapat mong iwasan."
Nang ako'y lumaki, ang
pahat kong isip ay biglang nagpakpak, ng kapalalua't ang aral ni Ama't ni Ina'y
hinamak; sa maalong dagat ng buhay sa mundo'y nag-isang lumayag, iniwan sa
pampang ang timbulang baon na aking tinanggap!
Malayang tumungga sa
sarong may lason ng kaligayahan na itong huli na'y nakilalang alak na
nakamamatay. Ang pinagbataya'y dapat magpasasa sa kasalukuya't isang
"Bahala na!" ang tanging iniukol sa Kinabukasan!
Kaya naman ngayon, sa
katandaan ko ay walang nalabi kundi ang lasapin ang dita ng isang huling
pagsisisi; tumangis sa labi ng sariling hukay ng pagkadugahi't iluha ang aking
palad na nasapit na napakaapi!
Daloy, aking luha…Dumaloy
ka sa ngayon at iyong hugasan ang pusong nabagbag sa pakikibaka sa dagat ng
buhay; ianod ang dusang dulot ng tinamong mga kabiguan. Nang yaring hirap ko't
susun-susong sakit ay gumaan-gaan!
Bisang Pandamdamin
NAKAKALUNGKOT
MANG ISIPIN NGUNIT SA AKDANG ITO IPINAPAHIWATIG NA HINDI DAPAT NATIN KALIMUTAN
ANG TURO SA ATIN NG ATING MGA MAGULANG UPANG TAYO AY HINDI MAWALA SA TAMANG
LANDAS AT MAGKAROON NG MAGANDANG KINABUKASAN, IPAPAKITA RIN DITO NA NASA HULI
ANG PAGSISISI.
Bisang Pangkaisipan
NABATID
KO NA LUMULUHA ANG ISANG TAO BATAY SAKANYANG EMOSYON O NARARAMDAMAN, BATAY
SAKANYANG KAPALIGIRAN. ANG LUHA AY ISA RING BUNGA NG KALUNGKUTAN , KASIYAHAN ,
NADADALA BATAY SA PINAPANUOD SA TELEBISYON , PAG NAKIKIPAGUSAP AT MARAMI PANG
IBAGBAGAY.
Mahal Kong Taalarawan,
Oktubre 14, 2013 (Lunes)
SA
ARAW NA NGAYON TINALAKAY NAMIN ANG ISANG AKDA NA PINAMAGATANG “LUHA” NA MULA SA
PANULAT NI RUFINO ALEJANDRO , NGUNIT BAGO KAMI MAGSIMULANG MAGTALAKAYAN SA
AMING AKDA, PINAGARALAN MUNA NAMIN KUNG ANU-ANO ANG MGA DAHILAN NG PAGLUHA NG
ISANG TAO, ANO ANG NARARAMDAMAN NG ISANG TAO KUNG SYA’Y LUMULUHA AT BAKIT
LUMULUHA ANG ISANG TAO, MATAPOS NAMING TALAKAYIN ANG MGA DAHILAN NG PAGLUHA NG
ISANG TAO,BINASA NAMIN ANG AKDANG “LUHA” AT PAGKATAPOS NAMING IYON
MABASA KAMI AY BINIGYAN NG GAWAIN BATAY SA AMING BINASANG AKDA.
Mahal Kong Taalarawan,
Oktubre 15, 2013 (Martes)
SA
ARAW NA NGAYON AY WALANG PASOK DAHIL HOLIDAY.
Mahal Kong Taalarawan,
Oktubre 16, 2013 (Miyerkules)
NGAYONG ARAW NA
ITO AY NAGKAROON KAMI NG ISANG GAWAIN TUNGKOL SA AKDANG
"LUHA".PAGKATAPOS NG AMING GAWAIN AY IBINIGAY NI GNG. MIXTO ANG MGA
AKDANG AMING ISASALIKSIK AT AARALIN PARA SA AMING MGA SUSUNOD NA TALAKAYAN.