Martes, Disyembre 31, 2013

MALAPIT NA ANG BAGONG TAON!!!!

MARTES, DISYEMBRE 31 2013


Maaga akong nagising dahil mamamalengke kami ni mama at ni kuya sa gate 2 para sa aming ihahandang salo- salo sa pagsalubong sa taong 2014! Nang makauwi na kami ay naligo na ako dahil aalis daw kami ni ate at pupunta kaming MOA para mamasyal at kumain na rin…pero bago kami umuwi ay bumili muna kami ang andoks na manok ,cake at ice cream. 

Lunes, Disyembre 30, 2013

RIVER BANK !!!

LUNES, DISYEMBRE 30 2013


 Sa araw na ito ay excited ako dahil pupunta kami ng river bank (unang beses ko pa langabi na kami g kasi na pumunta doon)…Mga bandang gabi na kami pumunta doon at nang pumunta na kami doon ay dumiretso kami sa tianggean pra tumingin ng mga damit at palamuti sa katawan.

Linggo, Disyembre 29, 2013

MOVIE MARATHON


LINGGO, DISYEMBRE 29 2013


Sa araw na ito ay ako ang bantay sa aming bahay dahil sila kuya, mama at isang ay mamamasyal, samantalang si papa at si ate naman ay may trabaho kaya hindi sila makakauwi…kaya’t ang ginawa ko na lang buong magdamag ay nanuod ng aking dinownload na palabas.

Sabado, Disyembre 28, 2013

LABA LABA DIN XD


SABADO, DISYEMBRE 28 2013


 Sa araw na ito ay maglilinis kami ng bahay,pagkagising ko ay nag almusal muna ako at pagkatapos nun ay naligo na ako at isinuot ko na ang aking panlinis na damit…una ko munang nilinisan ang aking kwarto dahil magulo na ito.Sinunod ko namang gawin ay naglampaso ako sa kusina naming at naglaba na ako pero ginamit ko ang makina sa paglalaba upang mas mapadali ang aking trabaho at makatipid ako ng oras.

Biyernes, Disyembre 27, 2013

PIANO LESSON

BIYERNES, DISYEMBRE 27 2013


Sa araw na ito ay naisipan kong magdownload ng mga videos tungkol sa mga unang hakbang sa pagaaral ng piano…tumagal din ako ng dalawang oras sa  computer shop dahil nagdownload din ako ng mga Korean movies.

Huwebes, Disyembre 26, 2013

KAPUYAT :3

HUWEBES, DISYEMBRE 26 2013


Sa araw na ito ay gumising ako ng sobrang sakit ng ulo , dahil sa kapit bahay naming na hanggang madaling araw ay ang lakas magpatugtog…pagkagissing ko rin ay naligo na ako upang pumunta sa cherry foodarama upang bumili ng dairy milk, cereal at noodles para sa aking pangtatlong araw na almusal. Pagkauwi ko ay bumili ako ng ice cream at kinain ito habang naglalakad pauwi.

Miyerkules, Disyembre 25, 2013

WALANG PERA NGAYONG PASKO :(

MIYERKULES, DISYEMBRE 25, 2013


Ngayon ay pasko at medyo tanghali na ako gumising dahil sa puyat. -_-! inaantok antok pa nga ako pero mas pinili kong lumabas upang magehersisyo at pagkatapos nun ay bumili ako ng burger at softdrinks para mag almusal. :) Busog na busog ako at sobra akong natutuwa..xD pakiramdam ko nga ay tataba na ako ng sobra sa pinagagagawa ko at talagang lalaki ang tyan ko! hahaha.. :)

Martes, Disyembre 24, 2013

PASKO NA BUKAS

MARTES, DISYEMBRE 24, 2013


Ngayon ay nakakainis dahil hindi natuloy ang aming pangangaroling at ang ingay pa magpatugtog ng kapitbahay naming…parang pakiramdam nila sa kanila yung lugar eh >.<  tapos ayun kumain lang kami at natulog na rin ng maaga.

Lunes, Disyembre 23, 2013

KAROLING TAYO


LUNES, DISYEMBRE 23, 2013

Ngayon ay wala nanaman kaming ginawa..haha.. :) Mag-eensayo dapat kami ng mga aawitin namin sa pangangaroling ngunit hindi natuloy dahil dumiretso na kami sa mga bahay upang makarami kami.



Sabado, Disyembre 21, 2013

HAAAYYY….PASKO, BAKIT ANG LUNGKOT MO???L

SABADO, DISYEMBRE 21, 2013


Ngayong araw ay tanghali na ako gumising dahil  gabi na kaming umuwi at dahil na din sa sobrang sakit na ng katawan ko dahil sa biyahe. :( haha.. pero ayos lang yun. :) paggising ko ay lumabas ako at bumili ng footlong sa angel’s burger para makapag almusal…pagkatatapos nun ay pinuntahan ko sila janina at neil upang sabihan sila sa aming panga-ngaroling .

Huwebes, Disyembre 19, 2013

PARTY!!! PARTY!!! YEHEY!!!

HUWEBES, DISYEMBRE 19, 2013


Nayon ay maaga akong gumising dahil christmas party na namin..xD pagdating ko sa skwelahan ay nakahanda na ang mga lamesa’t pagkain pati na rin ang sounds system..xD :) bago kami magsimula ay nagcountdown muna kami ng 5 minuto upang sa paghahanda. :)

Naging maayos naman ang party kahit medyo maingay at magulo :) Salamat sa mga nag-organize at gumawa ng party flow.. Ang saya ko ngayon. :) Namasyal rin kami sa Sta. Lucia kasama ang iba kong kaklase.

Miyerkules, Disyembre 18, 2013

KAWAWA NAMAN AKO :(

MIYERKULES, DISYEMBRE 18, 2013

Ngayon ay saglit lang ang oras ng pasok kaya't medyo nagmamadali ang mga guro. :) haha.. maaga din kaming umuwi, at dahil doon ay namasyal ako sa sm masinag at tumingi tingin ng pwedeng mabiling libro, may nakita nga akong libro ang kaso ay kulang ang pera kaya umuwi akong luhaan L

Lunes, Disyembre 16, 2013

KATAKOOOOOOTTTTT >:(

LUNES, DISYEMBRE 16, 2013


Ngayong araw ay pupunta kami ng Antipolo City Jail upang magpasaya ng mga preso at ipresinta an gaming pinaghandaang presentasyon. Pagdating namin sa kulungan ay nakakatuwa ang ginwa nila sa amin. Kumanta ang mga preso sa harap ng mga guro at Estudyante ng Mambugan National High School. Nagperform din kami sa mga preso gayon din naman ang mga ginawa nila sa amin…sa una nakakatakot dahil ang iba sa amin ay unang beses pa lamang pumasok sa isang kulungan,pero naging maayos at masaya ang lahat.

Sabado, Disyembre 14, 2013

YWAM PARTY

SABADO, DISYEMBRE 14, 2013

Ngayon araw na ito ay excited ako sapagkat may gaganapin kaming selebrasyon sa YWAM.Masaya ang naging karanasan ko nung kami ay naglaro at nanuod din kami ng ginawa nilang presentasyon…pagkatapos nun ay umuwi na kami.

Huwebes, Disyembre 12, 2013

JAIL VISIT!!! ETO NA KAMI!!!

HUWEBES, DISYEMBRE 12, 2013

Ngayon ay natutuwa ako dahil sa naintindihan ko na ang math namin ngayon.. Nakakalungkot mang isipin ay medyo mahina ako sa math.. :) Itinuloy din ngayon ang pag-uulat ng bawat pangkat.


Pagkatapos ng klase ay tumulong ako sa paglilinis ng aming silid at ipinakansela ko rin ang sesyon namin ngayon sa Computer Society. :) Nagensayo din kami ng gagawin naming SKIT para sa jail Visit na gaganapin sa susunod na linggo. Pagkatapos namin nila erin magensayo ay pumunta muna ako ng computer shop upang magdownloads ng mga background music sa gagawin kong pelikula.

Miyerkules, Disyembre 11, 2013

KAINIS SILA :(

MIYERKULES, DISYEMBRE 11, 2013


Ngayon ay pumasok ako ng maraming baon, pero naubos rin dahil pinapak ko.! :( kaawa-awa naman ako!..xD Naiinis kasi ako sa kaklase ko kaya't naubos ko yung baon ko.. Muntik muntikan din pala akong mahuli sa klase kaninang pagpasok sa klas.pagkatapos ng asignaturang Filipino ay pinagpatuloy namin ang gawain sa TLE na aming Praktikum..

Pagkatapos ng klase ay  sumama muna ako sa mga magpapabasa upang magturo ng mga estudyante sa aming paaralan upang magbasa.:) Pag-uwi namin ng mga kaibigan ko ay saktong umulan at nabasa ako! Pero ayos lang dahil naging masaya ang araw ko.

Lunes, Disyembre 9, 2013

OVERNIGHT CAMPING :)

LUNES, DISYEMBRE 09, 2013

yehey!!!! Hindi kasi ako na late dahil inaayos ko na ang mga gamit ko kagabi pa para sa ganun ay wala na akong gagawin kinabukasan.Naawa nga ako sa mga na late eh ang baba lang tuloy ng nakuha nilang score sa quiz sa chemistry. Wala din pala si Gng. Mixtokung  kaya't pinasagutan na lamang ni Ginoong Mixto ang gawain sa amin. Nagpraktikum naman kami sa asignaturang T.L.E. na patungkol sa Networking. :)

     Pag-uwi ko ay nagpahinga na lamang ako at nanood ng kung-ano ano. :) Nang mga bandang hapon ay natulog ako at nang nagising ako ay gumawa ako ng soup at nagbasa ng librong “Urban People” at nang matapos ako kumain ay nagsipilyo na ako at dumiretso na ako sa eskwelahan sapagkat kasama ako sa “OVERNIGHT TRAINING”.

Linggo, Disyembre 8, 2013

SHOPPING SHOPPING JJJ


LINGGO, DISYEMBRE 08 , 2013


Sa araw na ito ay nagsimba ako sa manila…pagkatapos ng second service ay kumain muna ako ng hotdogs. Matapos ang pagsimba naming ay pumunta kami ng quiapo at namili ng pantalon at sapatos sa “URBAN” at pagkatapos nun ay naglibot din kami sa ali mall at kumain ng Mcdo.

Sabado, Disyembre 7, 2013

ARAW NG PAHINGA!!!

SABADO, DISYEMBRE 07, 2013


Ngayon ay sobrang antok at pagod na araw para sa lahat ng sumama sa "OVER NIGHT" kahit medyo nakakaantok ang seminar ay may natutunan naman ako. haha.. kahit medyo boring ay ayos lang dahil naging masaya lalo na nung kumain kami ng sama-sama.

Huwebes, Disyembre 5, 2013

HTML :)


HUWEBES, DISYEMBRE 05 2013

Ngayon ay nagpresenta na ang bawat grupo ng kanilang mga malilikhaing pag-uulat. Natapos ang buong klase, pumunta ako sa court upang hintayin si pasaylo para sa ComLab.Pagkatapos ay pumunta :) Nagturo din si pasaylo ng powerpoint at tinuruan din kami nila ate Eloisa at ate Ericka ng HTML.

Miyerkules, Disyembre 4, 2013

PASYAL PASYAL DIN PAG MAY TYM :)

MIYERKULES, DISYEMBRE 04 2013

Ngayon ay nagbalik aral kami sa akdang aming tinatalakay kahapon at sinabi na ng aming guro na ito ay may teoryang Feminismo ang teoryang ito ay tumutukoy sa kalakasan at kahinaan ng babae na lubhang makikita sa akda. ngayon din ay nagkaroon kami ng pangkatan at dahil sa kailangan nito ng masidhing Pag-uusisa ginawa na lamang ng aming guro na takdang aralin

Pagkatapos ng klase ay pumunta agad ako sa sm masinag sapagkat bibili ako ng pintura at brush para sa ipipinta kong puno at pagkatapos nun ay kumain muna ako ng ice cream at fries bago umuwi.

Martes, Disyembre 3, 2013

WATTPAD DAY


MARTES, DISYEMBRE 03 2013

Ngayon ay ipinagpatuloy namin ang Akdang Banyaga at may ipinakita ang aming guro na mga litrato ng mga babae, ang lahat ng kanyang mga ipinakita ay pawang mga umasenso at umunlad, lahat sila'y mga magagaling at sikat na tao. Nagbigay Si Gng. Mixto ng takdang aralin.katulad kahapon ay tumambay ako ulit sa eskwelahan, at pagka-uwi ko ay humarap agad ako sa kompyuter upang magbasa ng wattpad story. :) 

Lunes, Disyembre 2, 2013

BORING :3


LUNES, DISYEMBRE 02 2013
Ngayon ay pinag-aralan namin ang Akdang BANYAGA at dahil hindi daw nasabi ni Gg. Mixto na basahin ang akda at ito ay pinabasa na lamang kay ate Vangie, ngunit bago ito basahin ay nagtanong muna ang aming guro patungkol sa salitang Banyaga, pagkatapos ng klase ay tumambay muna ako sa school at umuwi rin pagkatapos ng ilang oras.

FAMILY DAY

LINGGO, DISYEMBRE 01 2013
Ngayon ay araw ng linggo. Nagsimba kami ng pamilya ko ngayon...hahaha :) pagkatapos nun ako, si mama at ang bunso kong kapatid ay pumunta sa quiapo at namili ng mga damit.pagkatapos nun ay inabot na kami ng gabi kung kaya’t pagdating ko sa bahay ay natulog na lang ako.

Linggo, Disyembre 1, 2013

LINGGO, DISYEMBRE 01 2013 Ngayon ay araw ng linggo. Nagsimba kami ng pamilya ko ngayon...hahaha :) pagkatapos nun ako, si mama at ang bunso kong kapatid ay pumunta sa quiapo at namili ng mga damit.pagkatapos nun ay inabot na kami ng gabi kung kaya’t pagdating ko sa bahay ay natulog na lang ako.