Lunes, Disyembre 9, 2013

OVERNIGHT CAMPING :)

LUNES, DISYEMBRE 09, 2013

yehey!!!! Hindi kasi ako na late dahil inaayos ko na ang mga gamit ko kagabi pa para sa ganun ay wala na akong gagawin kinabukasan.Naawa nga ako sa mga na late eh ang baba lang tuloy ng nakuha nilang score sa quiz sa chemistry. Wala din pala si Gng. Mixtokung  kaya't pinasagutan na lamang ni Ginoong Mixto ang gawain sa amin. Nagpraktikum naman kami sa asignaturang T.L.E. na patungkol sa Networking. :)

     Pag-uwi ko ay nagpahinga na lamang ako at nanood ng kung-ano ano. :) Nang mga bandang hapon ay natulog ako at nang nagising ako ay gumawa ako ng soup at nagbasa ng librong “Urban People” at nang matapos ako kumain ay nagsipilyo na ako at dumiretso na ako sa eskwelahan sapagkat kasama ako sa “OVERNIGHT TRAINING”.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento